^

Bansa

Legal officer ng BID, timbog sa extortion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng CIDG  Region VII matapos itong ireklamo ng pangongotong ng isang retiradong US Navy sa isinagawang entrapment operation ang isang legal officer ng BID   sa Mandaue City, Cebu kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Francisco Uyami Jr., kinilala ang nasakoteng suspek na si Atty. Sera­fin  Araula Abellon.

Si Abellon ay inireklamo ni Jaimes Samuel Mercier, retiradong US Navy na kinokotongan umano ng suspek ng P25,000 para ma-extend ang visa.

Nakapagbigay na umano ang biktima ng paunang bayad na P10,000 pero natuklasan nitong P 2,800.00 lamang ang totoong bayad sa pagpapalawig pa ng visa ng mga dayuhang aplikante.

Napilitan namang dumulog ang Amerikano sa PNP-CIDG na agad namang nagkasa ng operasyon sa pakikipagkoordinasyon sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nagsampa na ng kasong  paglabag  sa Republic Act 3019  o Anti Graft and Corrupt Practices Act  sa tanggapan ng Ombudsman ang biktimang si  Mercier.

Noong 2009, kinasuhan na rin ng katiwalian, korapsyon at grave misconduct si Abellon  dahil sa panghuhuthot ng pera sa isang Japanese national sa Tagbilaran City  sa parehong modus operandi.

 

ANTI GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ARAULA ABELLON

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

FRANCISCO UYAMI JR.

JAIMES SAMUEL MERCIER

MANDAUE CITY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with