MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Malacañang ang napaulat na dismayado si Pangulong Aquino sa Communications Group nito.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala namang sinasabi ang Pangulo na hindi ito masaya sa kanyang communications group.
“Well, I was with the President last Friday and wala naman po siyang nabanggit sa aking ganoon. I have seen the President on a daily basis for the last week and he hasn’t mentioned anything to that effect,†giit ni Valte.
Aniya, prangka ang Pangulo at kung sakaling hindi ito masaya sa ginagawa ng kanyang communications group ay siguradong sasabihin niya ito ng deretsahan.