MANILA, Philippines - Kanselado ang operasyon o transaksiyon sa publiko ng United States Embassy sa darating na Lunes (Mayo 27) gayundin ng kanilang mga affiliated offices.
Sa ipinalabas na advisory, ang araw ay bilang paggunita sa Memorial Day na isang US Federal holiday.
Magbabalik umano ang serbisyo kinabukasan, May 28, 2013.
Ang “Memorial Day†na inoobserbahan tuwing huÂling Lunes ng Mayo ay bilang parangal sa mga lalaki at babae na nasawi habang nagsisilbi sa US military.
“This holiday was originally known as Decoration Day. It originated in the years following the Civil War and became an official Federal holiday in 1971,†ayon sa embahada.