MANILA, Philippines - “In the bag†na ang Senate Presidency para kay Senator Franklin Drilon matapos magkasundo ang Liberal Party at Nacionalista Party na maglagay na lamang ng iisang kandidato upang maging lider ng Senado.
kay Pimentel, sa bilang niya ay may 16 senador ang susuporta kay Drilon bagaman at ang iba naman ay aabot ng 18.
Kahit pa aniya hindi sumuporta sa kowalisyon si Sen. Bongbong Marcos ay tiyak pa ring makakakuha ng sapat na boto si Drilon.
Samantala, sinabi ni Pimentel na dapat ikonsidera ang “field of interest†ng isang senador sa pagbibigay sa kanya ng chairmanship ng komite.
Tiyak naman aniyang hindi hihiningin ng isang senador ang isang komite na wala siyang alam o hindi siya interesado.
Masusukat din aniya ang galing ng uupong Senate President kung papaano nito hahatiin ang mga committee kung may mga gustong mag-agawan sa isang partikular na komite.
Samantala, nakahanÂda na umano si Senate President Juan Ponce Enrile na maging lider ng minority sa pagpasok ng 16th Congress.
Inamin kahapon ni Senate Presidente Pro Tempore Jinggoy Estrada na gusto sana niyang maging lider ng minorya pero nagpahiwalig na si Enrile na interesado ito sa posisyon.
Aminado rin si Estrada na sila na ang magiging minority block sa Senado dahil mas maraming kandidato ng administrasyon ang pumasok sa nakaraang senatorial elections.
Sinabi rin ni Estrada na may ilalaban pa rin sila sa botohan para sa SeÂnate President at posibleng ito nga si Enrile.
Awtomatikong magiÂging Minority Leader ang sinumang lumaban sa Senate Presidency pero hindi naman nanalo.
Bukod kina Enrile at Estrada inaasahan na ring magiging miyembro ng minorya sina Senators Tito Sotto, Bong Revilla, Gringo Honasan at ang bagong papasok sa Senado na si Nancy Binay.