MANILA, Philippines - Patuloy ang kapangahasan ng China matapos harangan na rin ang Scarborough Shoal na binansagang Bajo de Masinloc may 124 nautical miles sa karagatan ng Zambales.
Ang Scarborough Shoal ay kabilang sa teritorÂyo ng Pilipinas na inaangkin din ng China bukod pa sa Spratly Islands (West Philippine Sea) sa Palawan.
“May mga inilagay sila (Chinese) na mga parang bara para hindi makapasok dun (mangingisdang PNoy),†pagkumpira ni Defense Secretary Voltaire Gazmin sa isyu.
Nabatid na dumaraing ang mga mangingisda sa Masinloc, Zambales dahil apektado ang kanilang kabuhayan gayong kung tutuusin ay nasasaklaw ang Scarborough ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Ayon kay Gazmin, ang nasabing isyu ay kabilang sa irereklamo ng Pilipinas sa United Nations (UN).
Noong nakalipas na taon ay humingi ng tulong ang Pilipinas sa UN matapos ang standoff sa China sa Scarborough (Panatag Shoal).
Simula ng insidente ay higit pang naging agreÂsibo ang China sa nasabing teritoryo na inaagaw nitong pilit sa Pilipinas.
Sa tala, umiinit rin ang tensyon sa Ayungin Shoal na bahagi ng Kalayaan Island Group sa Palawan matapos panghimasukan na rin umano ng China.