^

Bansa

Obrero pisak sa concrete barrier

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Basag ang bungo ng isang construction worker nang mabagsakan ng concrete barrier  sa loob ng isang warehouse  sa Malabon City kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ang biktimang si Justino Llaga, ng Purok 6, Dulong Hernandez, Brgy.  Catmon ng naturang  lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID), Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:10 ng hapon sa loob ng isang warehouse na pag-aari ng Maruzen Property  na matatagpuan sa Brgy. Longos, Malabon City.

Base sa salaysay ng saksing sina Jeffrey Pacel, 22, at Rolly Servano, 30, kasalukuyang nagtatahip ng bigas ang biktima sa tabi ng pitong talampakang taas ng concrete barrier nang aksidenteng natumba hanggang sa nabagsakan ito at napuruhan ang ulo nito.

Kaagad namang dinala ang biktima sa nabanggit na ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga pulis kung may naganap na foul play sa insidente at kung may pananagutan ang may-ari ng nasabing warehouse.

BRGY

DULONG HERNANDEZ

JEFFREY PACEL

JUSTINO LLAGA

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MARUZEN PROPERTY

PAGAMUTANG BAYAN

ROLLY SERVANO

STATION INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with