^

Bansa

HLURB may kinikilingan sa GVHAI

Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  â€“ Pina­niniwalaang may ki­nikilingan ang pa­munuan ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)-South­ ern Tagalog Region (Region IV) kaugnay sa pagbibigay ng ka­pangyarihang mango­ngolekta ng bayad sa tubig sa mga residente at toll fees sa mga motorista sa nag-aklas na mga kawani ng PAGCOR kung saan nagsagawa ng snap election sa Gardenia Valley Homeowners As­sociations, Inc. sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite noong Marso 24, 2013.

Sa memorandum order na may petsang Mayo 10, 2013 na nilag­daan ng tumatayong HLURB arbiter na si Atty. Jojee Nepomuceno, pan­sa­man­talang binigyan ng pamahalaan ang grupo ni Rodulfo “Bebot” Ma­natad para maningil sa mga residente kahit labag sa saligang batas ng nasabing asosasyon at pagtutol ng nakararaming residente.

Dahil sa nasabing me­morandum ni Atty. Ne­pomuceno ay lalong lumala ang kaguluhan sa GVHAI na posibleng dumanak ng dugo kapag hindi inaksyunan ng pa­munuan ng HLURB.

Dahil dito, personal na nakipagpulong sa mga residente si Atty. Banjin, hepe ng homeowner as­sociation ng nasabing rehiyon sa ilalim ng HLURB kahapon ng umaga.

Wala namang naibi­gay na katugunan si Atty. Banjin sa kahilingan ng nakararaming resi­dente na magdaos ng snap election laban sa nagtatagisang pamunuan nina Bebot Manatad at Wanda Dangan kundi ang pakikipagpulong ngayong umaga (Mayo 20)

Nasaksihan mismo ni Atty. Banjin ang hinaing ng GVHAI kaugnay sa gina­gawang panghaharas ng grupo ni Manatad kung saan sinasabing illegal na inukupahan ang main office ng GVHAI at ang opisina sa ibabang bahagi ng nasabing subdibisyon gamit ang mga armadong sekyu.

Maging ang basketball court na ipina­tayo ng mga lehitimong miyembro ng GVHAI ay hindi ipi­nagagamit sa mga resi­dente na sinasabing nagmistulang pagma­may-ari ng grupo ni Bebot Manatad.   

Nabatid din na maa­pektuhan ng serbsiyo ng tubig ang tinatayang aabot sa 600 residente kapag pinutulan ng linya ng kuryente ang GVHAI kung saan dala­wang buwan na ang pag­kakautang nito sa Meralco.

Hindi naman ti­nang­gap ng mga resi­dente ang paliwanag ni Ma­natad kaugnay sa na­ka­takdang pag­putol ng kuryente bag­kus ay ipinaabot ang rek­lamo sa pa­munuan ng HLURB.

 

vuukle comment

BACOOR CITY

BANJIN

BARANGAY MOLINO

BEBOT MANATAD

DAHIL

GARDENIA VALLEY HOMEOWNERS AS

HOUSING AND LAND USE REGULATORY BOARD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with