MANILA, Philippines - Aminado ang Minorya sa Kamara na mananatili pa rin ang tiwala ng Mababang kapulungan sa liderato ni House Speaker Sonny Belmonte.
Ayon kay Assistant Minority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, na hindi malayong maÂpanatili pa rin ni Belmonte and speakership sa 16th Congress.
Ito ay dahil sa ranking member ng Liberal Party (LP) at hindi rin maitatangging nakapag deliver si Belmonte ng legislative agenda ng Malakanyang sa 15th Congress.
Inihalimbawa ng mamÂbabatas ang ilan sa prioÂrity bills ng Palasyo kabilang na ang kontroÂbersyal na Reproductive Health (RH) bill na naipasa ng kongreso.
Gayundin ang pagpapaliban ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at ang impeachment kay dating Supreme Court (SC) chief Justice Renato Corona.
Pero hindi rin umano dapat pakakasiguro si Belmonte dahil posibleng may beteranong kongresista na tapatan ito sa pagka speaker.