^

Bansa

Sa pagkamatay ng mangingisda… Hiling na parallel investigation ng Taiwan, hindi papayagan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi papayagan na magsagawa ng parallel investigation ang mga Taiwanese special investigators na dumating sa bansa kaugnay sa napaslang na Taiwanese fisherman sa Balintang Channel noong Mayo 9, ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Sinabi ni Sec. Lacierda sa media briefing kahapon, may sinusunod na protocol partikular sa Mutual Legal Assistance agreement sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.

Wika pa ni Lacierda, inatasan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pangyayari kung saan ay napatay ng PCG ang 65-year old na Taiwanese fisherman na si  Hung Shih-Cheng matapos pumasok ang kanilang fishing vessel sa Philippine waters sa Balintang Channel upang illegal na mangisda.

Aniya, personal na humingi ng public apology si Pangulong Benigno Aquino III sa Taiwan government sa pamamagitan ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Amadeo Perez kaugnay sa pagkamatay ng 65-anyos na mangingisda.

Sa statement ni Perez, sinabi nito na inihatid niya sa Taiwan government ang paghingi ng apology ni Pa­ngulong Aquino kasabay ang paniniguro sa patas na imbestigasyon sa pangyayari.

BALINTANG CHANNEL

CHAIRMAN AMADEO PEREZ

HUNG SHIH-CHENG

LACIERDA

MANILA ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

MUTUAL LEGAL ASSISTANCE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with