Maulan na pero ‘di pa tag-ulan- PAGASA
MANILA, Philippines - Niliwanag kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical SerÂvices Administration (PAGASA) na hindi pa pumapasok ang panahon ng tag-ulan sa bansa bagamat dumaranas ngayon ang maraming lugar ng mga pag-uulan.
Ayon kay Rene Paciente, weather forecaster ng PAGASA, normal lamang ang mga paminsan-minsang pag-ulan pero ang tag-ulan ay maaaring pumasok pa sa huling linggo ng Mayo o sa unang linggo ng buwan ng Hunyo.
Maari lamang anyang masabing tag-ulan na kapag may tatlong araw na sunod-sunod na pag ulan na may 1-mm ng patak ng ulan sa isang araw, may limang araw na ulan na umaabot sa 25-mm o mahigit pa at kailangan ang hangin ay dapat na mula sa timog kanluran sa West Philippine Sea.
Kahapon , ilang lugar sa bansa ay nakakaranas ng makulimlim na panahon na may paminsan minsang pag-uulan laluna sa Metro Manila at karatig na lugar.
- Latest