Buhay nangunguna sa mga Partylist

MANILA, Philippines - Nangunguna ang Buhay o Buhay Ha­yaan Yumabong sa mga nananalong party-list groups sa idinaos na midterm elections sa bansa nitong Lunes.

Batay sa partial unofficial tally ng Pa­rish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), ang Buhay party-list ni El Shaddai leader Mariano “Mike” Velarde, na nagsusulong sa kasagraduhan ng buhay ang siyang nangunguna sa may pinakamaraming party-list votes batay sa 9:30 a.m. unofficial results nitong Martes.

Sumunod sa Buhay ang A-Teacher, Bayan Muna, 1-CARE, Akbayan, AKB, Gabriela, OFW Family, Abono, Senior Citizens, Coop-Natcco, AGAP, Cibac, Magdalo, An Waray, Butil, ACT Teachers, Abamin, ACT-CIS, Kalinga, Angkla, ABS at LPGMA.

Inaasahan namang makakapag-proklama na rin ang Comelec nga­yong gabi (Miyerkules) ng ilang nanalong party-list groups sa eleksiyon.

Show comments