1st Kabagis kasama sa eleksiyon
MANILA, Philippines - Niliwanag ngayon ng 1st Kabagis at Senior Citizen partylist na kabilang pa rin sila sa mga pwedeng iboto sa eleksyon bukas.
Ayon kay Miko Magsaysay, 1st nominee ng 1st Kabagis partylist group na wala silang natatanggap na Comelec resolution na nagsasabi na sila ay disqualified sa eleksyon bukas.
“Personal po akong nagpunta sa tanggapan ng Comelec kasama ang mga nominee ng senior citizen matapos naming mabalitaan na kami raw ay disqualify pero wala pong maipakita ang mga opisyales nila na resoÂlusyon ukol sa aming disqualification†sabi ni Magsaysay.
Ayon naman kay Roger Wanasen, national global chairman ng 1st Kabagis, matagal ng tapos ang official ballot ng Comelec at nagsisimula na ang absentee voting kaya imposible na sila ay matanggal sa talaan ng mga iboboto.
Ang 1st Kabagis na No. 88 sa balota at No. 129 naman ang Senior Citizen ay nagsasabing mga kalaban lamang umano nila ang nagsasabing sila ay disqualify.
Nanawagan si WanaÂsen sa lahat ng mga opisyal at kasapi ng 1st Kabagis na tuloy ang kanilang laban at hindi dapat mawalan ng saysay ang kanilang mga pinaghirapan para sa grupo.
- Latest