TRO vs liquor ban hindi na iaapela
MANILA, Philippines - Matapos na magpalabas ng Temporary ResÂtraining order ang Korte Suprema laban sa limang araw na pagpapatupad ng liquor ban, wala namang balak ang Commission on Elections na iapela ito.
Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., na hindi na rin sila maghahain ng komento sa Supreme Court hinggil sa extended liquor ban.
Aniya, plano na rin nilang i-withdraw na lamang ang kanilang resolusyon upang hindi na lumaki pa ang isyu lalo na ngayong marami pa silang ibang problema kaugnay sa eleksiyon sa Lunes.
Sa kabila naman nito, nanindigan si Brillantes na sa kanilang palagay ay rasonable lamang naman ang limang araw na liquor ban.
Dapat sana ay ipatutupad na ang limang araw na liquor ban simula kahapon (Mayo 9) hanggang sa Mayo 13 ngunit dahil sa TRO ay magiging dalawang araw na lamang muli ang liquor ban o mula sa Mayo 12 hanggang sa election day, na siyang itinatakda ng batas.
Ang resolusyon sa extended liquor ban ay inilabas ng Comelec batay na rin sa kahilingan ng Metro Manila Development Authority.
- Latest