MANILA, Philippines - Bababa ng 12-sentimo kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) para sa buwan ng Mayo o P24 sa electric bill ng isang tahanan na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Bunsod ito nang pagbabawas ng transmission charge at iba pang components ng electric bill ng 20 sentimo na nakapagbalanse sa pagtaas ng generation charge ng 8-sentimo.
Ang transmission charge ay nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba na umabot ng 12-sentimo kada kWh, dahil sa mas mababang ancillary service charges mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Nakapagtala rin ng reductions ang system loss charge, lifeline rate subsidy, VAT at local franchise tax, na umabot sa kabuuang 8-sentimo kada kWh.