MANILA, Philippines - Naglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema laban sa pagpapatupad ng mas mahabang panahon ng liquor ban.
Inanunsiyo ni Atty. Theodore Te, ng Public Information Office ng Supreme Court na ang TRO ay ipatutupad simula ngayon.
Nag-ugat ang nasabing hakbang ng korte sa petisÂyong inihain ng Food and Beverage Inc. at International Wines and Spirits Association Inc. kahapon na kumukwestiyon sa ligalidad ng extended liquor ban.
Iginiit ng dalawang kumpanya na hindi sakop ng hurisdiksyon ng Comelec ang nasabing resolusyon dahil binago nito ang probisyon sa Section 261 ng Omnibus Election Code na nagtatakda lamang ng dalawang araw na liquor ban, iyan ay sa bisperas at sa mismong araw ng eleksyon.
Pinagsusumite ng SC ang Comelec ng komento kaugnay sa nasabing petisyon hanggang ngayong hapon.
Sa ilalim ng kinuÂkwestiyong Comelec MiÂnute Resolution, ginawang limang araw ang dating dalawang araw na pag-iral ng liquor ban.
Bunsod ng TRO, iiral na lang ang liquor ban sa bisperas at mismong araw ng halalan
Kung hindi nagpalabas ng TRO ang SC, iiral sana ang liquor ban mula Mayo 9 hanggang Mayo 13.