PCSO Lotto jackpots, dodoblehin
MANILA, Philippines - Mas malaki na ang premÂyong maaaring iuwi ng mga masuwerteng Lotto winners dahil dodoblehin ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang jackpot ng Lotto 6/42 at MegaLotto 6/45 simula Mayo 17. Ang jackpot ng Lotto 6/42 na dati ay P3 milyon ay magiging P6 milyon, habang ang dating P4.5 milyon sa MegaLotto 6/45 ay dodoble sa P9 milyon. Dahil dito, magbabago rin ang presyo ng tiket ng dalawang larong ito. Mula sampung piso para sa bawat kumbinasyon ay magiging dalawampung piso na. Maglalabas din ng bagong prize at dividend structure para sa Grand Lotto 6/55 at Super Lotto 6/49. Ayon kay PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II, “Ang layunin ng mga pagbabagong ito ay makalikom ng mas malaking pondo para sa Charity Fund na ginagamit ng opisina upang tumugon sa pangangailaÂngan ng sambayanang Pilipino.â€
- Latest