MANILA, Philippines - Inihayag ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate Jack Enrile na ang pagsuporta ng pamahalaan sa territorial aspirations ng Sultanato ng Sulu ay makatutulong upang magkaroon na ng pangmatagalan at tunay na kapayapaan sa Mindanao.
Iginiit ni Enrile na mayroon namang matibay na legal at historical basis para buhayin ang isyu ng Sabah matapos ang madugong engkwentro sa pagitan ng Malaysian forces at mga tagasuporta ng Sultanato ng Sulu.
Ayon kay Enrile, dapat na magkaroon ng mas malinaw na posisyon ang pamahalaan hinggil sa isyu para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon ng mga brother Muslim.
Ang dapat aniya ay natalakay na ang naturang isyu sa idinaos na ika-22nd Summit ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa Brunei noong unang bahagi ng nakaraang buwan at dinaluhan ng mga lider ng 10-member ng nations, ngunit hindi naman aniya natalakay ang isyu ng Sabah sa summit.