Magsaysay naaksidente

MANILA, Philippines - Naaksidente si Liberal Party senatorial candidate Ramon Magsaysay Jr. makaraang bumangga ang sinasakyan nitong kotse sa center island sa Alabang, Muntinlupa kamakalawa ng hapon.

Nasa ligtas na kundis­yon naman si Magsaysay at nakauwi na ng kanyang bahay sa Ayala, Ala­ bang makaraang sumailalim lamang sa “routine check-up” sa Asian Hospital.

Sinabi ni Atty. Jojo Buen­viaje, staff ni Magsaysay, na galing sa bahay ng kanyang kapatid sa Mandaluyong si Magsaysay at pauwi na dakong ala-1:30 ng hapon nang bumangga ang sina­sakyang kotse sa center island sa Skyway off-ramp sa South Station exit ng Alabang-Zapote Road.

Iniwasan umano ng tsuper ni Magsaysay na si Roger Soria ang isa pang behikulo kaya nawalan ng kontrol at bumangga sa center island. Masuwerte namang hindi grabe ang aksidente at walang natamong pinsala si Magsaysay at si Soria.

Nakadalo pa rin si Magsaysay sa motorcade sa Maynila kinahapunan ng Sabado kasama ang celebrity endorser na si Richard Yap at campaign rally sa Muntinlupa City.

 

Show comments