Bogus survey

MANILA, Philippines - Peke ang resulta ng isang election survey na umano’y kinomisyon ng mga negosyanteng Chinese-Filipino at nagpapa­kita na nangunguna si outgong Congressman Oscar Malapitan sa ma­yoralty election sa Caloocan City.

Pinabulaanan kahapon ni Mike Yao ng Caloocan City Filipino-Chinese Chamber of Commerce na lumahok o kumomisyon sa anumang survey ang kanilang grupo.

“Tinignan namin ang survey. Hindi na kaila­ngang magsaliksik para ma­laman na peke ito. Wa­lang kumpanyang nag­­ngangalang Stratfocus Consultancy. Wala itong rekord sa  Security and Exchange Commission (SEC), Department of Trade and Industry (DTI), o anumang yunit ng pa­mahalaang lokal,” paliwanag ni Yao na nagdag­dag na wala ring rekord sa alin mang ahensiya ng pamahalaan ang sinasabing director ng organisasyon na si Melvin Manhit.

Ayon sa naturang survey na lumabas na sina­pawan ni Malapitan si Konsehal RJ Echiverri sa labanan sa pagka-al­kalde ng Caloocan City.

Nakabase umano sa Makati ang Stratfocus Con­sultancy pero wala itong rekord sa Makati City. Lu­mabas din ang “zero relevant hits” kapag hinanap ang “Melvin Man­­hit” o “Stratfocus Consultancy” sa Google.

Binalaan ni Yao ang publiko laban sa mga gru­pong gumagamit sa ka­nilang organisasyon para sa kanilang kapakina­ba­ngan. Hindi anya dapat maniwala sa survey na hindi nagmula sa mapapanaligang survey firm.

 

Show comments