Hagedorn, 3rd place sa STAR straw poll
MANILA, Philippines - Naramdaman ang suporta ng mga kabataan kay independent senatorial candidate at Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn sa pagkakakuha niya ng ikatlong puwesto sa straw poll na magkatuwang na isinagawa ng Philippine Star at ng McDoÂnalds Philippines.
Sa straw poll na The Vote 2013 na nalathala kahapon ay nasa pangatlong posisyon si Hagedorn (6.66%) sa likod nina Teddy Casino (8.78%) at Richard Gordon (6.91%).
Sa straw poll na ito ay nakuha ni Hagedorn ang boto ng mga kabataan na bumubuo sa 40.4 porsiyento (edad mula 18 hanggang 24 anyos). Sinundan ito ng mga may edad na 25 hanggang 34 anyos (32%).
“Ito ang mga edad na mas nagmamalasakit sa kapaligiran at nag-iisip sa kahalagahan ng liderato na lumilikha ng aktuwal na benepisyo para sa ating mamamayan,†sabi ni Hagedorn bilang reaksyon.
Si Hagedorn ay kilala sa buong mundo dahil sa kanyang seryosong pagtataguyod sa kalikasan at natatanging Filipino mayor na kinilala sa “Global 500 Roll of Honor Award†ng United Nations.
Tumanggap na rin si Hagedorn ng maraming karangalan at pagkilala mula local, national at maging international, dahil sa kanyang mahusay na pamamahala upang ihatid ang Puerto Princesa na maÂging pangunahing ‘world travel destination’ na nagpaangat sa turismo ng bansa.
- Latest