MANILA, Philippines - Ikinasa na ng Department of Interior and Local Government at Philippine National Police ang “Oplan Last Two Weeks†o kahandaan para sa natitirang araw, bago ang takdang halalan sa Mayo 13, 2013.
Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, bahagi ng operasÂyon ang pagpapadala ng may 30,000 police personnel sa lahat ng mga lugar na natukoy na election hot spots.
Sabi ng kalihim, may 18,000 sa mga pulis ay paÂwang full pledged uniformed personnel, mga nakatalaga sa administrative at desk works na pinalabas para mag-duty sa field sa pagdating ng halalan.
Habang 11,000 ay mula sa PNP recruit, mga nag-aaral o sumasailalim sa training na ini-recall para maging katuwang ng mga full-pledge police personnel.
Saklaw din ng Oplan Last Two Weeks ang kanselasyon ng lahat ng leaves o pagliban sa trabaho ng mga pulis simula Mayo 3-16 base sa memorandum ni PNP chief, director General Alan Purisima.
Nakikipag-ugnayan na ang PNP sa mga telecommunication at power companies at iba pang sensitibong instalasyon para matiyak na hindi magkakaroon ng anumang interruption sa komunikasyon, transmission at suplay ng kuryente.
Bahagi rin ng operasyon ang maximum deployment ng legal personnel ng PNP para sakaling magkaroon o masangkot sa ilang sitwasyon ang mga pulis ay handa ang mga abogado ng PNP na tumugon.
May mga itinatag din na media center na 24 oras na magbabantay para sa mga media na gustong makakuha ng impormasyon na may kinalaman sa seguridad at eleksyon sa buong bansa.