MANILA, Philippines - Tuluyan ng ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan ni dating Datu Unsay Maguindanao MaÂyor Andal Ampatuan na gaÂwing akusado sa kasong pagpatay ang isa sa mga testigo ng prosekusyon sa Maguindanao Massacre na si Kenny Dalandag.
Sa 9-na-pahinang desisÂyon na pinonente ni Associate Justice Lucas Bersamin ng Supreme Court (SC) First Division, pinagtibay nito ang ginawang pagbasura ng Manila Regional Trial Court sa petisyon ni Ampatuan na humihiling na atasan nito ang DOJ na isama ang dati niyang driver na si DaÂlandag sa mga dapat na makasuhan sa korte ng multiple murder kaugnay ng Maguindanao massacre.
Pinaliwanag ng SC, waÂlang naging pag-abuso o grave abuse of discretion sa panig ng DOJ panel of prosecutor nang gamitin si Dalandag bilang state witness.
Ayon pa sa SC, habang walang nagaganap na pag-abuso, hindi makikialam ang hukuman sa takbo ng preliminary investigation.