^

Bansa

Kampanya vs child abuse pinaigting sa Caloocan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Higit pang pinaigting ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang kampanya ng lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang mga kabataan laban sa pang-aabuso at pagsasa­mantala.

Ayon sa alkalde, nararapat lamang na mapa­ngalagaan ang ka­rapatan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksiyon sa mga ito laban sa anumang klase ng pang-aabuso at matitiyak na magiging kapaki-pakinabang ang mga ito sa kanilang paglaki.

Ipinaalala rin ng alkal­de na tungkulin din ng paaralan at ng pama­yanan na pangalagaan ang karapatan ng mga kabataan dahil sa mga ito umiinog ang mundo ng isang bata na hindi pa kayang tumayo sa kanyang sariling mga paa.

Ikinabahala rin ni Echiverri ang mga nag­lalabasang balita hinggil sa mga kabataang naabuso kaya agad niyang inatasan ang Caloocan Police na magtalaga ng magagaling na imbestigador na hahawak sa kaso ng mga batang masasangkot sa anumang uri ng krimen dahil na rin sa pagiging maselan ng kaisipan ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

 

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CALOOCAN POLICE

ECHIVERRI

HIGIT

IKINABAHALA

IPINAALALA

RECOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with