Army gen. sa Guingona ambush sibak!
MANILA, Philippines - Sinibak na sa puwesto kahapon ang Commanding General ng Army’s 4th Infantry Division( ID) kasunod ng nangyaring panaÂnambang kay Gingoog City, Misamis Oriental Mayor Ruthie Guingona na ikinasawi ng driver at escort nito habang sugaÂtan naman ang alkalde at isa nitong police escort noong Abril 20.
Sa turnover ceremony kahapon sa himpilan ng Army’s 4th ID sa Camp Evangelista, Cagayan de Oro, pormal na pinalitan ni Brig. Gen. Ricardo Visaya, officer-in-charge ng nasabing himpilan si Major Gen. Nestor Anonuevo.
Una ng inutos ni PNoy sa AFP at PNP na lansagin ang checkpoint at extortion ng mga rebeldeng komunista partikular sa Region 10, 11 at ilang bahagi ng CARAGA Region.
Nagsasagawa pa ng deliberasyon ang AFP Board of Generals kung saan ipupuwesto si Anonuevo.
- Latest