Payumo naungusan na sa Bataan

MANILA, Philippines - Lamang si Bataan first congressional district aspirant Herminia Roman sa kaniyang kalaban na si dating Subic Bay Metro­politan Authority Chairman Felicito Payumo ng 54 percentage points, 77 percent kontra 23 percent sa pinakabagong survey.                               

Sa pagka-gobernador naman, lamang si Albert ‘Abet’ Raymond Garcia kay Joel Jaime Payumo ng 46% points, 73 percent kontra 27%.

Ipinakita rin ng surveys na lamang si Abet ng malaki laban kay Payumo sa mga sumusunod na bayan: Bagac, 68% kontra 32%; Orion, 70 kontra 30; Limay, 76 vs 24 at Mariveles, 86 vs 14.

Para sa pagka-alkalde naman ng bayan ng Dinalupihan, nangunguna si Maria Angela ‘Gila’ Garcia na may 54 percent rating laban kay Jose Alejandre Payumo na mayroong 46%.

Ayon sa ilang residente, habang nalalapit ang eleksiyon ay tila lalong lumilinaw na tapos na ang pamamayagpag ng mga Payumo sa pulitika sa Bataan dahil sa ganito anyang kalaking kalamangan ng kalaban mahigit tatlong linggo na lamang bago mag-halalan ay mukhang malabo na itong makahabol. 

“Mukhang ngayon pa lamang ay nagsasalita na ang mga taga-Bataan,” wika pa ng isang residente na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Show comments