MANILA, Philippines - Humataw si Team PNoy senatorial bet Sonny Angara sa pinakahuÂling SWS survey kung saan ay umangat ito sa ika-siyam na puwesto mula sa 12th rank nito sa nakaraang buwan na survey.
Sinabi naman ng kampo ni Angara, ang pag-angat ni Sonny sa Abril 13-15 survey ng SWS sa may 1,800 respondents nationwide ay dahil nakita ng taumbayan ang isinusulong na advocacy nito sa larangan ng edukasyon at kagalingan ng kabataan gayundin ang mga panukala nito na dagdag na benepisyo ng mga senior citizen at mga guro.
Nagpasalamat naman si Angara sa mamamayan na patuloy ang pagtitiwala sa kanyang kakayahan na maupo sa Senado at sa pagtitiwala sa kanyang mga advocacy.
Nadomina naman ng Team PNoy ang pinakahuling senatorial survey kung saan ay si Sen. Loren Legarda pa din ang nanguna at 3 lamang mula sa United NationaÂlist Alliance (UNA) ang nakapasok sa magic 12.
Ang nasa ikalawang puwesto ay si Sen. Alan Peter Cayetano habang tie sa ikatlong puwesto si dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar at Nancy Binay habang nalaglag naman sa ika-5 puwesto si Sen. Chiz Escudero.
Umakyat naman sa ika-6 na puwesto si presidential cousin Bam Aquino habang agawan naman sa ika-7 puwesto sina JV Ejercito at Sen. Koko Pimentel III, agawan din sa ika-10-11 puwesto sina Grace Poe at Sen. Antonio Trillanes IV.
Nag-aagawan naman sa 12-13 spot sina Sen. Gringo Honasan at Jackie Enrile na kapwa mula sa UNA.