Tau Gamma Phi suportado si Bam

MANILA, Philippines - Suportado ng grupong Tau Gamma Phi, na ngayon ay kilala na rin sa pangalang One Nation Movement, ang pinakabatang Team PNoy senatoriable na si Benigno Bam Aquino.

Ayon sa isang manifesto na inanunsyo at nilagdaan ng grupo, naniniwala sila na ang edukasyon, suporta sa negosyo, at malinis na pamamalakad ng gobyerno ay mga susi sa pagbabago at pagsulong ng bansa. Lahat ito ay mga haligi ng plataporma ni Bam Aquino, na matagal nang tumutulong sa mga mahihirap na komunidad at pinakamaliliit na negosyante bago pa man sumabak sa pulitika. Dagdag pa ng One Nation Movement, nananawagan ito sa pamahalaan at iba’t-iba pang sektor ng lipunan na magbuklod at magtulung-tulong para tapusin na ang kahirapan.

Lubos ang pasasalamat ng nakababatang Aquino at nagsabing ang tulong ng mga organisasyong tulad ng One Nation Movement/Tau Gamma Phi ang nagbibigay ng lakas sa kanya upang ipagpatuloy ang laban kontra sa kahirapan. Ani Aquino, “Naniniwala tayo na ang bawat Pilipino ay may kakayahang tumayo sa sarili niyang paa, at kung bibigyan natin ang lahat ng pagkakataong kumita at umasenso, tiyak ay malalabanan natin ang kahirapan.”

Show comments