Harassment lang ‘yan! - Acosta

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Laguna Lake Development Authority (LLDA) general manager J.R. Nereus O. Acosta na poli­tical harassment at vested interest ang nasa likod ng pag-iisyu ng warrant of arrest ng Sandiganbayan laban sa kanya at sa kanyang ina.

Ayon kay Acosta, nagtataka siya kung bakit nabuhay ang tapos at patay ng kasong perjury laban sa kanya gayung ang mismong complainant ay matagal na ring umurong sa kaso.

“It is with disbelief that a perjury case was filed against me even if the complainant has already desisted. I can only surmise that the

warrant of arrest issued in relation to this case is political harassment and is motivated by vested interests,” ani Acosta.

Sa kabila naman nito, tiniyak ni Acosta na susunod siya sa Sandiganbayan at alinmang hukuman sa bansa ngunit nangakong gagawin ang lahat ng legal na hakbang upang matuldukan na ang isyu.

Labis na nalulungkot at dismayado si Acosta sa mga demolition job at pag-atake sa kanya at sa kanyang pamilya.

Gayunman, siniguro ni Acosta sa mga mamamayan na sa kabila ng mga harassment sa kanya ay hindi maapektuhan ang kanyang trabaho bilangPresidential Adviser for Environmental Protection at pinuno ng LLDA.

Naniniwala rin si Acosta na sa bandang huli ay mananaig pa rin ang katotohanan.

Nauna nang nagpalabas ang Sandiganbayan Fifth Division ng warrant of arrest laban kay Acosta at sa kanyang ina kaugnay sa perjury charges na inihain sa Office of the Ombudsman noong pang 2006 at Congressman pa lamang siya ng Bukidnon.

Show comments