‘Pork’ ng solons pinatigil ng DBM

MANILA, Philippines - Ipinahinto ni Budget Sec. Florencio Abad ang pagpapalabas ng mga pork barrel ng mga mam­babatas, 25 araw bago sumapit ang May 2013 elections.

Ayon kay Abad, may nakarating na sumbong sa tanggapan ng Department of Budget and Management na ginagamit ng ilang mambabatas ang kanilang Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel, sa pangangampanya nga­yong eleksyon.

Karamihan sa mga kongresista at senador ay muling tumatakbo nga­yon.

Kahit binigyan ng pahintulot ng Commission on Elections (Comelec) ang DBM sa pagpapalabas nito ng pork ay mas minabuti ni Sec. Abad na magpatupad ng ‘freeze order’ upang hindi ito magamit sa kanilang election campaign.

Mas mabuti na umano na pansamantalang ipatigil ang pagpapalabas ng naturang pondo upang hindi ito pagmulan pa ng problema.

Show comments