MANILA, Philippines - Ipinaliwanag ni Bureau of Internal ReveÂnue Commissioner Kim Henares na hindi na kasama ang mga kilaÂlang bilyonaryo sa bansa sa pagpa-file ng income tax returns kayat hindi sila kasama sa Top 10 sa may pinakamataas na binayarang buwis noong 2011.
Sinabi ito ni Henares bilang tugon sa mga kumukuwestyon kung bakit wala sa top 10 ang mga bilyonaryo sa bansa na limpak limpak ang kinikitang salapi taun-taon.
Ani Henares, hindi na kailangang maisama pa sa listahan ang mga bilÂyonaryo dahil ang buwis sa mga kinita nito gaano man kalaki ay naisasama na sa kanilang witholding tax at hindi na kailangan pa ang mga itong maghain ng income tax returns.
Sa listahan ng BIR, naÂngunguna sa mga individual taxpayers noong 2011 si Kris Aquino na nagbayad ng halos P50M.
Gayunman, ang mall tycoon na si Henry Sy, Sr., may-ari ng SM at Banco de Oro na siya ring pinakamayamang indibidwal sa Pilipinas batay sa Forbes magazine ay pang-15 lamang sa BIR list habang ang kanyang anak na si Hans Sy ay pang-22 at pang 83 naman si Teresita Sy.
Ang isa pang bilyoÂnarÂyo na si Lucio Tan, ‘second richest’ sa Pilipinas batay sa Forbes magazine ay pang-35 na nagbayad ng P10.78 million income tax, mas mababa pa sa binayaran ng kanyang abugadong si Estelito Mendoza na pang-14 sa binayarang P17.63 million.
Ang iba pang business tycoons na sina Enrique Razon, Jr., kilalang shipping at hotel magnate na may yaman na $4.9 billion, Andrew Tan ng Megaworld Corp. at Emperador Distillers ($3.95 billion), George Ty ng Metrobank ($2.6 billion), Lucio at Susan Co ng Puregold ($2 billion), Robert Coyiuto, Jr. ng Oriental Petroleum and Minerals Corp. ($1.6 billion), Tony Tan Caktiong ng Jollibee Food Corp. ($1.4 billion), Andrew Gotianun ng Filinvest ($1.2 billion) at Roberto Ongpin ng Alphaland Corp. ($1.2 billion) ay wala sa BIR list.