MANILA, Philippines - Iniutos ni Puerto PrinÂcesa City, Palawan Mayor Edward Hagedorn ang agarang pagbaklas sa kanyang mga posters at campaign materials sa buong bansa na lumalabag sa regulasyon ng Commission on Elections (Comelec), partikular na ang mga nakasabit o nakapako sa mga punong kahoy.
Bagaman malaki ang epekto sa kanyang ‘visibiÂlity’ sa mga botante bilang kandidato sa Senado, sinabi ni Hagedorn na hindi naman niya hahaÂyaang mapinsala ang mga puno na pumoprotekta sa ating kapaligiran.
“At the risk of decreasing my ‘visibility,’ I have ordered my supporters and volunteers to remove all my campaign materials all over the country which were placed in areas that do not conform to the Comelec rules,†wika niya.
Umapela naman si Hagedorn sa iba pang kandidato ngayong halalan na maging “responsable†sa kanilang kampanya.
Tiwala rin ang alkalde na mananalo siya bilang senador dahil na rin sa kanyang ‘solid track record,’ mga tagumpay at karanasan bilang lingkod-bayan at sa mainit at malawak na suporta sa kanyang kandidatura ng iba’t ibang sektor.
Bunga na rin ng kanyang mga pagsisikap at pagmamahal sa kalikasan, si Hagedorn lang ang tanging mayor sa Pilipinas na kinilala ng United Nations bilang bahagi ng UN ‘Global 500 Roll of Honor Award.’
Tanging ang PPC rin sa lahat ng ‘highly-urbaÂnized cities’ sa Pilipinas ang may lumalawak at lumalagong kagubatan dahil sa taunang ‘tree planting program’ ni Hagedorn na nilalahukan ng lahat ng mamamayan ng lungsod.
Para sa 2012, kinilala rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Hagedorn at ang PPC ng gawaran sila ng ‘Seal of Excellence in Governance’ (social, administrative and environmental categories).
Muli ring itinaas ni Hagedorn ang pangalan ng Pilipinas bilang ‘tourist destination’ dahil sa matagumpay niyang kampanya na mapabilang ang PPC Underground River (PPUR) sa ‘New Seven Wonders of Nature of the World.’