Phl-US Balikatan walang kinalaman sa Nokor
MANILA, Philippines - Walang kinalaman sa tumitinding tensiyon sa Korean Peninsula ang idinaraos na Phl-US Balikatan 2013 joint military exercises sa bansa.
Ito ang nilinaw kahapon ni Major Emmanuel Garcia, co-Exercise Spokesman ng Phl-US Balikatan 2013 kaugnay ng tensyonadong sitwasyon sa North Korea na nagpaplanong magpakawala ng missile laban sa Estados Unidos at South Korea.
Nilinaw ni Garcia na bago pa man magkaroon ng tensiyon sa Korean Peninsula ay matagal ng nakaplano ang joint military exercises ng magkaalyadong puwersa.
Ang naturang exercises na nagbukas nitong Biyernes ay tatagal hanggang Abril 17, 2013.
Ang Balikatan ay isinasagawa kada taon alinsunod sa nilagdaang Mutual Defense Treaty (MDT) noong 1951.
Samantala nangaÂngamba naman ang mga kritiko na maging target ng Nokor ang Pilipinas kapag pinahintulutan ng pamahalaan ang Estados Unidos na gawin itong launching pad laban sa pag-atake ng North Korea.
Iginigiit rin ng mga ito na dapat maging patas ang gobyerno sa isyu at wala itong bansang dapat kampihan upang hindi mapag-initan ng mga bansang kaaway ng Amerika
Una rito, sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, bilang isang bansang kaalyado ay tutulong ang Pilipinas sa Amerika kapag inatake ito ng nukleyar ng Nokor.
- Latest