^

Bansa

NAIA todo bantay vs avian flu virus

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasalukuyang isinasagawa ng mga opisyal at tauhan ng Human Quarantine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang person-to-person scanning sa mga pasaherong dumarating mula sa Zeewolde, The Netherlands at sa China.

Gamit nila sa ganitong sistema ang portable thermal scanners bukod sa kanilang heavy duty scanners.

Isinagawa nila ang hakbang dahil sa paglaganap ng Low Pathogenic Avian ng type H7 sa Zeewolde.

Sinabi ni Quarantine doctor on-duty Neptali Labasan na nakatanggap sila ng kautusan mula sa kalihim ng Department of Agriculture na maging alerto sa mga pasaherong nagmumula sa naturang bansa bukod sa China na napaulat na merong isang biktimang natuklasang nahawahan ng H7N9.

Sinabihan anya ng mga Chinese health authorities ang World Health Organisation noong Abril 4, 2013 hinggil sa nakumpirmang dagdag na apat na laboratory–confirmed cases kabilang na ang tatlong mamatay sa influenza A (H7N9).

Ang tatlong namatay ay mga lalake na may edad na 38 anyos. Dalawa ang mula sa Zhejiang sa China at isa pang 48 anyos mula sa Shanghai.

Sinabi ng WHO na walang kaugnayan ang mga laboratory-confirmed cases at sa kasalukuyan, umaabot sa 11 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng influenza A(H7N9) virus sa China.

Idinagdag ng WHO na wala pang bakuna laban sa naturang sakit.

Samantala, nag-uugnayan ang Animal Quarantine at ang Bureau of Customs (BOC) sa NAIA para mapigilan o makumpiska ang mga produktong maaari nilang makita tulad ng day old chicks, eggs at semen na nagmumula sa Zeewolde at China.

Sinabi ni Veterinary doctor Arlon Sanchez sa pamamagitan ng kanilang officer-in-charge Dr. Tina Betito na pansamantalang ipinagbabawal ang pagpasok sa Pilipinas ng mga poultry at poultry product mula sa Zeewolde.

Bawal din anya ang mga produkto mula China mula nang magsimula ang kaso ng Avian influenza.

 

ANIMAL QUARANTINE

ARLON SANCHEZ

BUREAU OF CUSTOMS

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DR. TINA BETITO

HUMAN QUARANTINE

LOW PATHOGENIC AVIAN

SINABI

ZEEWOLDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with