Local bets sa Pangasinan dinagsa

MANILA, Philippines - Dinagsa ng supporters ni Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. ang tatlong malalaking auditoriums sa lalawigan sa proclamation rally ng mga local candidates ng Nationalist Peoples Coalition (NPC).

Napuno ng mga supporters ni Gov. Espino ang auditoriums ng Infanta, Dasol at Burgos sa ginawang proclamation rally nito kasama ang kanyang runningmate na si Vice-Gov. Jose Ferdinand Calimlim Jr. at Rep. Jesus “Boying” Celeste.

Nagpasalamat naman sina Espino at Rep. Celeste sa mga kababayan nito dahil sa suporta ng mga ito sa kanilang gobernador sa kabila ng paninira sa pagkatao nito na halatang ‘politically motivated’ lamang.

Itinaas ni Gov. Espino ang kamay ng kaalyado nito sa Infanta na sina Mayor Virgilio Vallarta at runningmate na si Richard Martinez. Sa Dansol ay umabot sa 3,000 ang supporters na nagtipon sa rally kasama si Dansol Mayor Noel Nacar at Vice-Mayor Manuel Rivera. Sa Burgos ay todo ang pagsuporta ng mamamayan kay Mayor Alberto Guiang Jr. at Vice-Mayor Felipe Peralta.

Show comments