^

Bansa

H7N9, bagong virus

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagong bird flu virus na H7N9 ang nadis­kubre kung saan ayon sa report, tatlo katao na ang kumpirmadong tinamaan sa China, dalawa ang na­matay at sa ngayon ay sinasabing may apat pang tinamaan na umano ay nasa kritikal na kondisyon.

Nabatid na hindi pa tukoy kung ang H7N9 ay galing­ sa ibon, baboy o sa mga tao.

Sinabi naman ni Dr. Lyndon Lee Suy, pinuno ng Emerging and Re-emerging Diseases ng DOH, na walang dapat na ipangamba ang publiko laban sa umano’y panibagong pagkalat ng bird flu virus.

Ayon kay Dr. Lee Suy, wala pang dokumentadong kaso ng human-to-human transmission ng naturang bird flu.

Binanggit pa ng doctor na hindi pa rin malinaw kung bagong uri ng mikrobyo o mutation ang nasabing virus.

Ang katiyakan ay ginawa ng doctor dahil na rin sa pangamba ng publiko na makapasok sa bansa ang naturang sakit na nakamamatay.

AYON

BINANGGIT

DR. LEE SUY

DR. LYNDON LEE SUY

EMERGING AND RE

ISANG

NABATID

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with