MANILA, Philippines - Marami pang dapat isagawa tulad ng paglaban sa smuggling sa kabila ng BBB-investment grade ratings na ibinigay kamakailan ng Fitch Ratings sa Pilipinas.
Ito ang tinuran kahapon ni Kasangga partylist congressman at Aklan congressional aspirant Teodorico “Nonong†Haresco, Jr..
Inihalimbawa niya ang talamak na pagpupuslit ng oil at oil by-product, poultry at agricultural produce na madalas ginagawa sa pamamagitan ng technical smuggling.
“Papatayin ng smuggling ang diwa ng entrepreneurship ng mga Pilipino dahil ang mga negosyanteng nagbebenta ng kanyang produktong nakuha niya nang legal ay malulugi dahil sa mga nagpupuslit ng mga kalakal na nasa mas murang halaga,†paliwanag ni Haresco.
Idiniin ni Haresco na ang isang masiglang negosyo sa kanayunan ang susi sa makahulugan at pag-unlad ng ordinaryong mamamayan sa bansa.
Sinabi pa niya na, sa kabila ng mga natamo ng adÂministrasyong Aquino sa larangan ng ekonomiya, talamak naman ang smuggling dito ayon na rin sa Direction of Trade Statistics ng International Monetary Fund.
Para anya masugpo ang smuggling, dapat huwag tangkilikin ng bawat Pilipino ang mga kumpanyang nagbebenta ng puslit na mga kalakal o paninda.
Iminungkahi rin niya ang ibayong pagmamanman at mga paraan para maireport ang mga anomalya sa mga nakakataas na awtoridad.