Kaligtasan ng mga Pinoy sa Sokor, tiyakin - Loren

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senadora Loren Legarda sa pamahalaan ng agarang paghahanda para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa South Korea kasunod ng pagdeklara ng ‘state of war’ ng North Korea kamakalawa.

“Our country needs to prepare for this. We need to secure the safety of Filipinos in South Korea,” pahayag ni Legarda kasabay ng pag-welcome sa maagang ‘activation’ ng Department of Foreign Affairs ng kanilang ‘contingency plans’ para sa mga Pinoy na naninirahan sa South Korea.

Sabi ni Legarda, chairman ng Senate foreign relation committee, tinatayang aabot sa 40,000 ang mga Pinoy na naninirahan sa South Korea.

Ayon pa sa senadora, ang deklarasyon ng state of war ng North Korea laban sa South Korea ay isa na namang ‘flashpoint’ sa rehiyon sa Asya. Bukod pa ito sa girian ng nangyayari sa ‘territorial claims’ sa West Philippine Sea.

 

Show comments