Malaysia naghigpit sa mga Pinoy barter trader
MANILA, Philippines - Dahil sa nagaganap na tensyon sa Sabah, naghigpit ang Malaysia sa mga dayuhang negosyante na pumapasok sa kanilang teritoryo kabilang na ang mga Pinoy na nasa barter trading.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, simula sa Abril 15 ay mahigpit nang ipatutupad ang mga bagong panuntunan para sa barter traders sa Sabah at Labuan.
Nabatid na sa nasabing araw, ang lahat ng crews ng trade ships o barko ay kailangan nang mag-produce o kumuha ng balidong travel documents, international passport o seaman’s book sa lahat ng entry ports sa Sabah.
Sinabi ni Consul General Medardo Macaraig na tinatawagan nila ng pansin ang lahat ng Pinoy barter traders at iba pang concerned parties na sumunod sa bagong regulasyon upang makaiwas sa paghuli o pag-aresto ng Malaysian authorities dahil sa paglabag.
Ang Seaman Identification Card (SIC) ay hindi na ii-issue sa mga crew ng barter trade ships o vessels kapag wala silang kaukulang valid travel documentation.
- Latest