^

Bansa

SWS Survey, hindi makatotohanan - Obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Lingayen Dagupan Archbi­shop Emeritus Oscar Cruz na hindi umano makatotohanan ang  resulta ng  Social Weather Station (SWS).

Ayon kay Cruz, sa lumabas na SWS survey na nagsasabing marami na sa mga maralitang Filipino ang “satisfied” o kuntento sa kanilang buhay at walang katotohanan..

Sinabi ni Cruz, wala pa siyang nakausap kahit isang mahirap na kuntento sa kanilang buhay-mahirap.

Aniya malayong- malayo pa na mangyari na ma­ging langit ang Pilipinas sa hirap ng buhay.

Iginiit pa ng Obispo, marami sa mga survey sa bansa ay dumedepende ng resulta sa kung sino ang nagpagawa ng survey, sino ang nagbayad at ano ang gustong palabasin.

Ikinalulungkot ni Cruz na habang tumatagal ay nawawalan na ng kredibilidad ang mga survey agencies sa bansa dahil taliwas sa tunay na nangyayari ang resulta ng kanilang mga pag-aaral.

 

ANIYA

AYON

CRUZ

EMERITUS OSCAR CRUZ

IGINIIT

IKINALULUNGKOT

INIHAYAG

LINGAYEN DAGUPAN ARCHBI

SOCIAL WEATHER STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with