MANILA, Philippines - Tuluyan nang naalis ang sumadsad na USS Guardian Ship sa Tubbataha Reef dahil sa magandang panahon.
Ayon sa Philippine Coast Guard, pinakahuÂling inangat ang stern ng US Minesweeper, ang huling major parts ng barko, na sinimulang iangat kamakalawa, alas 8:00 ng umaga sa pagpapatuloy ng salvaÂging operations na inilipat sa Borneo /S-7000 Barge.
Ang pagkakaalis ng huling bahagi ng barko ay maaga kaysa sa April 1 timetable na unang itinakda ng Tubbataha Management Office (TMO).
Nabatid na naiangat din ang ikalawang bahagi ng hull na tinatawag na AMR Auxilliary kung saan naroon ang machinery room at dating pinaglalagyan ng mga generator na nauna nang naialis mula sa barko.
Kabilang sa nagtulong-tulong ang USS Safeguard, USNS Washington Chambers, Jason 25, SMIT Borneo, Barge S-7000, Tug Archon Tide at Tug Intrepid, Malayan Towage salvage vessel at BRP Romblon (SARV 3503).
Sa kasalukuyan, patuloy na lamang ang ginagawang paglilinis sa napinsalang bahagi ng Tubbataha Reef.
Sumadsad sa mga bahura ang USS Guardian noong Enero 17. Tinatayang may lawak na 4,000 square meters ang pinsalang idinulot ng barkong pandigma ng US sa mga reefs.
Tiniyak naman ng US na patuloy silang makikiÂpagtulungan sa pamahalaan ng Pilipinas sa pagsusuri at pagbabayad sa pinsala na nilikha ng insidente.