MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa umano’y paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) upang isabotahe ang peace and order kaugnay ng pagdaraos ng mga ito ng kanilang ika-44 taong anibersaryo bukas, Marso 29 (Biyernes Santo).
Sinabi ni Gazmin na karaniwan ng nagpaparamdam ang mga rebelde sa pamamagitan ng mga bayolenteng pagkilos sa tuwing magdaraos ang mga ito ng anibersaryo.
Kabilang dito ang ambushcades, harassment, pag-atake sa mga himpilan ng militar at pulisya sa mga kanayunan, pananabotahe sa mga instalasyon ng gobyerno, pagdukot ng security forces at iba pa.
Sinabi ni Gazmin na nanatiling hindi umuusad ang peace talks sa pagitan ng GRP at CPP-NPA-NDF peace panels kaya gumagawa ng bayolenteng eksena ang NPA rebels, ang armed wing ng grupo.
Sa kabila nito, nanindigan ang Kalihim na sa simula pa lamang ay ipinakita naman ng pamahalaan kung gaano ito ka-sinsero para umusad ang negosasyong pangÂkapayapaan subalit atras abante umano o urong sulong naman ang panig ng CPP-NPA-NDF.
Hindi rin aniya uubra ang hinihinging kondisyon ng CPP-NPA-NDF na paÂkawalan ang napakaraÂming mga itong consultants kung saan halos lahat ng mga nahuhuling lider ng mga ito ay dapat umanong saklaw ng Joint Agreement on Immunity and Safety Guarantees (JASIG) kaya hindi dapat hulihin.
Kabilang sa mga naÂaresÂtong lider ng NPA na iginigiit ng mga itong consultant ay ang top leader ng CPP-NPA na si Tirso Alcantara na sugatang nasakote sa Lucena City, Quezon noong Enero 2011 at Allan Jazmines na nahuli naman sa safehouse nito sa Baliuag, Bulacan noong Pebrero 2011.