MANILA, Philippines - Nagtayo ng libreng tawag stations ang Smart Communications, Inc. (Smart) para sa mga uuwi sa probinsiya ngayong Mahal na Araw. Sa Araneta Center Provincial Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, ay mayroon libreng tawag hanggang sa Maundy Thursday.
Libre ang domestic at international calls.
Mayroon ding Smart libreng tawag stations sa mga north at south-bound na gasolinahan: NLEX-Shell Balagtas, north bound sa Marso 27-28; NLEX-Total San Simon, north bound (Marso 27-28); NLEX- Petron Lakeshore, north bound (Marso 27-28); SCTEX Camp Tarlac segment, east bound (Marso 27-28); SCTEX Camp Tarlac segment, Manila bound (Marso 31); SCTEX Camp Subic segment, west bound (Marso 27-28); SCTEX Camp Subic segment, Manila bound (Marso 31); SFEX-Total east bound (Marso 27-28 at 31); NLEX-Shell Mexico, south bound (Marso 31); NLEX-Mega Caltex San Fernando, south bound sa Marso 31; NLEX-Shell of Asia, Guiguinto, south bound (Marso 31); at Caltex Parañaque Cavitex (Marso 27-28).
Ang libreng tawag ay bahagi ng mga serbisyong pampubliko na hatid ng Smart di lamang tuwing panahon ng kalamidad ngunit pati rin sa mahahalagang araw tulad ng Lenten season at All Saints Day.