Lider ng mayoral bet sa N. Ecija itinumba
MANILA, Philippines - Umiigting ang labanang pulitika sa bayan ng Aliaga, Nueva Ecija matapos maÂpatay ang isang vendor na kilalang supporter at lider ng kumakandidatong mayor na si “Bro Rene Ordanes.â€
Kinilala ng pulisya ng Region 3 ang biktima bilang Aries Dionisio, residente ng Barangay Umangan, Aliaga, Nueva Ecija.
Isang di pa nakikilalang salarin ang gumawa ng krimen na gamit ang walang plakang motorsiklo at kalibreng 9mm na baril.
Ayon sa mga nakasaksi, dumating ang suspek sakay ng motorsiklo sa tapat ng bahay ni Dionisio ng mga alas-9 ng umaga noong Biyernes (Marso 22). Bumaba ng motorsiklo na suot pa rin ang itim na helmet upang di siya makilala, naka orange na long sleeve at nakashort pants.
Nagtanong pa sa biktima kung siya ang may-ari ng cellphone number na ipinakita nito kay Dionisio.
Nang sumagot ang biktima na siya nga ang may-ari ng number, agad na bumunot ng baril ang salarin at pinaputukan si Dionisio, na siya niyang agad na ikinamatay sanhi ng apat na tama ng bala.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaslang.
Ginawa pang ihangos ng mga kaanak ng biktima na itakbo siya sa Premier General Hospital ngunit idineklara ng mga doktor na ito ay ‘dead on arrival.’
Sa kabila ng isinagawang dragnet ng kapulisan hindi nahuli ang suspek maging ang motibo ng pagpaslang sa biktima.
Ngunit maraming nagsasabi sa lalawigan na ang pamamaslang ay may bahid umano ng pulitika sapagkat si Dinisio ay masugid na lider at supporter daw ni Ordanes.
- Latest