MANILA, Philippines - Nagdamdam ang mga Filipino-Chinese businessmen kay Pangulong Aquino dahil sa akusasyon nitong marami sa miyembro ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) ang hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Ginawa ng Pangulo ang akusasyon sa miyembro ng Fil-Chinese community sa mismong ika-29 biennial convention ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry noong nakaraang linggo sa SMX Convention Center.
“It is unfair for President Aquino to say we do not pay taxes,†ayon kay Rosendo So, pangulo ng Rosales-Eastern Pangasinan Filipino Chinese Chamber of Commerce.
Wika pa ni Mr. So, ang mga miyembro ng FFCCCII ay nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno bilang tulong ng kanilang komunidad sa programa ni Pangulong Aquino sa poverty alleviation.
Kaagad inalam ni So sa Bureau of Internal Revenue sa Pangasinan kung tama ba ang akusasyon ni PNoy hanggang sa malaman niya mismo sa BIR na ang top 100 individual and corporation income tax payers ay mula sa FFCCCII.
“We wish to inform President Aquino that some national officials of the FFCCCII after retirement are no longer in business, therefore, they no longer engage in business. This explains why some of the officers declare zero business taxes,†dagdag pa ni So.
“The different chambers of commerce are not income generating, therefore, they are tax exempt too. These chambers of commerce are like non-government organizations that are non-profit,†paliwanag pa ni So.
Idinagdag pa ni So, ang FFCCCII ay tumutulong magpatayo ng mga 2-classroom buildings sa halagang P400,000 kumpara sa P1.4 milyon na ginagastos ng Department of Education at Department of Public Works and Highways at Philippine Amusement and Gaming Corporation sa katulad na proyekto.
“Ang school building project ng Chamber (FFCCCII) ay isang example kung paano ipapatupad ang matuwid na daan ni Presidente Aquino. Yung budget ng gobyerno para sa isang two-classroom building, kayang gawin ng chamber na three-classroom building sa parehong budget,†giit pa ng FFCCCII official ng Eastern Pangasinan.