Ignorante sa batas… Hukom sinibak ng SC

MANILA, Philippines - Sinibak ng Korte Suprema ang isang hukom dahil sa pagiging ‘ignorante’ sa batas matapos na maglabas ng dalawang desisyon sa usaping hindi niya sakop.

Sa per curiam decision ng Supreme Court en banc, si Judge Oscar E. Dinopol ng Koronadal City RTC Branch 24  ay napatuna­yang ignorante sa batas matapos na maglabas ng dalawang desisyon isang araw ng Sabado at itinaon pa na ito ay gabi.

Ayon sa SC,  nagkasala si Judge  Dinopol  ng  gross ignorance of the law kaya siya sinibak sa trabaho.

Tuluyan na ring tinanggal kay Judge Dinopol ang lahat ng mga benepisyo at pagbawal sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Nabatid na ibinase ng Korte Suprema ang desis­yon sa anim na mga admi­nistrative charges mula ng siya ay naupo bilang huwes sa nasabing korte.

Kabilang sa mga inisyu ni Dinopol ay ang preliminary injunction kay Rey Vargas bilang officer-in-charge ng office of the ge­neral manager sa Koronadal Water District (KWD).

Nag-isyu din si Judge Dinopol ng writ of preliminary injunction laban kay Vargas at ilang oras lamang ang nakalipas ay nag-isyu rin ang nasabing huwes ng pag-aresto kay Eduardo Panes, Jr., security guards ng Supreme Investigative and Security Agency, Juancho Holgado at iba hinggil sa  implementasyon ng March 24, 2007 Order nito.

Ayon sa Court En Banc nabigo si Judge Dinopol na ipaliwanag ang pag-isyu niya ng mga kautusan.

Giit ng korte na dapat ang isang huwes ay may integridad, pag-promote ng public confidence lalo na sa impartiality sa judiciary, maging magalang sa batas at pananatili sa professional competence.

Ayon sa SC nilabag ni Dinopol ang mga due process na nagresulta sa unwarranted arrest at incarceration of powerless individuals.

Show comments