^

Bansa

US ‘di makikialam sa Sabah

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang plano ang pa­mahalaan ng Estados Unidos na makialam sa kontrobersyal na isyu hinggil sa tumitinding sigalot sa pagitan ng Sulu Sultanate at security for­ces ng Malaysia sa Lahad Datu, Sabah.

“Were not looking to respond in any manner to that invocation of treaty as a security matter­ that affects US or Mutual Defense Treaty in behalf of  the Philippines in any manner,” pahayag ni US Ambassador Harry Thomas Jr. sa ipinatawag nitong Security and Defense Kapihan sa Embahada, Boodle Fight sa Defense Press Corps kahapon.

Sinabi ni Thomas na naniniwala ang US na tanging sina Pangulong Aquino at Malaysian Prime Minister Najib Razak ang makakaresolba sa isyu sa mapayapang paraan.

Hindi anya nila ma­pipigilan ang pamilya ni Sultan Kiram sa pagsa­ salita at paghingi ng ayu­­da sa US government para lutasin ng usapin, subalit wala uma­no silang planong tugunan ang iginigiit na Treaty ng mga Kiram.

Sa ilalim ng Kiram Carpenter Agreement na binuo at nilagdaan noong 1915, nakasaad na kung meron mang magiging problema ang Sultanato ng Sulu sa pagbawi sa Sabah, maaari silang mag­­pasaklolo sa gob­yerno ng Amerika.

Iginiit ni Thomas na hindi naman nila nakikitang makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at Amerika o sa Mutual Defense  Treaty ng dalawang bansa ang usapin sa Sabah.

Umaasa sila na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga Pilipinong nagsilikas sa Sabah na nga­yon ay nasa Tawi-Tawi na at iba pang bahagi ng Mindanao.

Ayon pa sa US envoy, maaring pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ng Pilipinas ang ikabubuhay ng mga ito at pag-usapan na lamang ng mabuti ang nangyayaring sigalot.

Nilinaw rin ni Thomas na hindi itinuturing ng Estados Unidos na isyu ng seguridad ang Sabah.

AMBASSADOR HARRY THOMAS JR.

AMERIKA

BOODLE FIGHT

DEFENSE PRESS CORPS

ESTADOS UNIDOS

KIRAM CARPENTER AGREEMENT

SABAH

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with