Ateneo nanguna sa 2012 Bar Exam
MANILA, Philippines - Nakuha ng Ateneo de Manila University ang una at ikalawang puwesto sa isinagawang 2012 Bar Exam kung saan umabot sa 949 ang nakapasa sa 5,343 exaÂminees.
Markang 85.64 % ang nakuha ni Ignatius Michael Ingles na nasa unang puwesto at sinundan naman ni Catherine Beatrice O. Kingkay na may 84.72%.
Ayon kay Ingles, hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng pinakamataas na marka sa Bar exam na ipinalabas ng Supreme Court. Aniya, ibinigay lamang umano niya ang lahat ng kanyang makakaya sa pagsusulit na pinaglaanan niya ng lima hanggang anim na buwang pagre-review.
Nasa ikatlong puwesto naman si April Carmela B. Lacson ng University of the Philippines (84.48), pang-apat si Romualdo, Xavier Jesus D. ng ADMU (84.10). Kapwa nasa ikalima sina Base, Maria Graciela D. ng UP at Machuca, Jose Maria Angel P. ng ADMU(83.99)
Pang-anim si Salazar, Patrick Henry D. ng UP (83.71) na sinundan nina Barcelona, Ralph Karlo B. ng Aquinas University (83.43); Llamas, Marvyn S. ng ADMU (83.27), Li, Carlo Martin C. ng ADMU (83.27) at pang-10 si Tiopianco, Francis Paolo ng UP (83.25).
- Latest