MANILA, Philippines - Pinatalsik ng Korte Suprema ang artistang si Lucy Torres-Gomez bilang kinatawan ng Ormoc City.
Sa botong 7-4-4 sinabi ng SC na hindi valid ang paghalili ni Torres sa asawa nitong si Richard Gomez sa nakalipas na Mayo 2010 elections.
Sina Associate Justices Estela Perlas-BerÂnabe, Antonio Carpio, Martin Villarama, Jose Perez, Bienvenido Reyes at Marvic Leonen ay bumoto pabor sa pagpapawalang bisa ng pagka-Âkongresista ni Lucy habang kumontra naman sina Teresita Leonardo de Castro, Mariano del Castillo, Roberto Abad at Jose Mendoza.
Nag-abstain naman sina Presbitero Velasco, Arturo Brion, Lucas Bersamin at Diosdado PeÂralta dahil ang mga ito ay miyembro ng House of Representative Electoral Tribunal-Associate Justices.
Ayon sa SC, hindi kuÂwalipikado si Richard Gomez na tumakbo bilang Kongresista matapos itong mabigo sa kanyang residency requirement.
“Thus, absent valid substitution, Ms. Torres-Gomez could not have been considered a candidate,†ayon sa SC.