Pagdating sa adverÂtising o mga anunsiyo, hindi natitinag ang Pilipino Star NGAYON sa pinakamaraming tumatangkilik.
Base sa Daily Monitoring Research ng PSN o rekord ng mga tabloid, sa kasalukuyan, lamang na lamang sa mga kalaban ang tinanghal na Newspaper of the Year (Filipino) ng Gawad TangÂÂÂlaw.
Base sa resulta ng pang-araw-araw na pagbabantay sa mga lumalabas na ads sa mga kalaban, angat ang sa PSN.
Base sa kumbinasyon ng Display at Classified Ads mula Enero hanggang December noong nakaraang taon, nagtala ang PSN ng 34.81%, Tabloid B (27.26%), Tabloid A (20. 66%), at Tabloid P (17.27%).
Patunay ito na pinagkakatiwalaan ang PSN pagdating sa kanilang mga gustong palakasing produkto.
Ang Display Ads ay ads na nakalagay sa mga pangunahin at importanteng mga pahina ng isang tabloid tulad ng news, showbiz, at sports.
Maselan ang mga advertiser sa mga paglalagyan nila ng mga display at classified ads, ang mga nasa loob at labas na anunsiyo sa buong pahayagan. Hindi sila naglalagay pag alam nilang hindi sila kikita lalo na nga’t mahigpit ang labanan ngayon at maraming nagkalat na mga bagong tabloid na nagbibigay ng baratilyong presyo sa pagpapa-anunsiyo.
Katuwiran ng isang advertiser, kapag sa PSN sila naglalagay ng anunsiyo, ang dami nilang natatanggap na inquiries o pagtatanong na isang maliwanag na palatandaan at ebidensiya na mas maraming nagbabasa sa Newspaper of the Year ng Gawad Tanglaw.
Ilang taon na ring namamayagpag ang PSN pagdating sa paramihan ng anunsiyo sa pahayagang Tagalog na labis na pinasasalamatan ng PSN president at CEO na si Mr. Miguel Belmonte.
Aniya, hindi mararating ng pahayagang ito ang kasalukuyang posisyon kung wala ang maraming advertisers na patuloy na sumusuporta sa paglago ng kumpanya.
Ang mga anunsiyo ang buhay ng isang pahayagan, mapa-tabloid man ito o broadsheet.
Ito ay tulad din ng isang network na kung saan maraming patalastas, ‘yun ang kumikita.
Kaya nga sinasabi na pag ang isang palabas ay mataas ang rating, tambak ang patalastas at halos wala ka nang mapanood dahil nga wala nang masiksikan ang mga commercial.
Ganyan din ang sistema sa dyaryo. Hindi magtitiwala ang mga malalaking kumpanya kung wala silang natatanggap na mga pagtatanong sa mga mambabasa ng pahayagang ito sa buong Pilipinas at maging sa ibang panig ng mundo.
Malaking factor kung bakit kinakagat ng masa ang pahayagang nagdiriwang ng 27th anniversary ay ang pagiging maka-Diyos, walang kalaswaan, maiinit at mga totoong balita. Walang lumalabas na imbento at panloloko sa mga mambabasa.
Hindi rin apektado ng uso ngayong social media ang mga tabloid. Hindi naapektuhan ang maraming mga pahina ang mga tabloid. Minsan nga, ‘yung mga balita ng PSN pinipik-up sa Internet.
Kaya nga pangatlong taon na ito na 100 pahina ang PSN sa aming anibersaryo. Base sa mga rekord, walang ibang tabloid ang naglalabas ng ganito karaming pahina.
Nakadagdag din sa rami ng ads ang mataas na numbero nang mga bumibisita sa website nito na http://www.philstar.com/ngayon.
Patok sa abroad ang nasabing website na umaabot sa milyones ang nagbabasa. Naiibsan ang lungkot ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa sa pagbabasa nito.
Iba pa rito ang market sa iPAD at android. Kasalukuyan itong nasa iTunes at maaari ninyong i-download ng libre.
Base sa mga pag-aaral iba ang nagbabasa sa iPAD, website at kopya sa papel ng PSN kaya mas malawak ang naabot nito na hindi rin nagagawa ng mga kalaban.
Ilan lamang ‘yan sa mas maraming dahilan kung bakit dagsa ang anunsiyo.
Ang Advertising Department ng PSN ay pinangungunahan ni Mr. Jun Aluad.