Maraming dapat na ipagpasalamat ang mga empleyado ng Pilipino Star NGAYON matapos na maabot ang ika-27 anibersaryo nito.
Bagama’t dumaan ang iba’t ibang mga kalamidad sa kalikasan at ekonomiya, nabiyayaan pa rin itong maging matatag at nakapagpapatuloy sa pagbibigay serbisyo sa masang Pilipino sa pamamagitan ng paghahatid ng tamang impormasyon. Bakit at paano nga ba natin narating ang 27-taong ito ng ating kompanya?
• Dahil sa talino at kasipagan ng mga opisÂyal nito na pinanguÂnguÂnahan ni PSN PresiÂdent/CEO Miguel G. Belmonte.
• Ang pagiging maÂkatao at mapagmahal sa empleyado ng mga bossing nito.
• Dahil sa patuloy na pagbibigay serbisyo sa mga nangangaÂilangan sa anumang aspeto ng lipunan, lalo na sa kalusugan at kalikasan. Kaya nariyan ang Da-mayan, ang binuong Social arm ng kompanyang ito na siyang patuloy na umaabot sa mga taong lubos na kailangan ng tulong at kalinga. Maging ang pagbibigay tulong para magkaroon ng edukasyon ay hindi rin nakaligtaan ng kompanyang ito na ibigay sa mga kabataang walang kapasidad na mag-aral.
• Tinatangkilik din ang pahayagang ito dahil may puso para sa masang Pilipino. Ibinibigay nito ang tamang impormasyon hinggil sa mga nagaganap sa bansa, sa ekonomiya at kung paano makakatulong sa pag-unlad nito.
• Dahil sa pagtutu-lung-tulong ng mga emÂpleÂyado nito sa lahat ng departamento. Lalo na ang mga staff na bumubuo sa editorial department na pinanguÂngunahan ng editor-in-chief nito na si Al Pedroche, mga editors na sina Rowena del Prado (Bansa), Jo Lising-Abelgas (Metro), Mario Basco (Probinsya), Ronnie Halos (Opinyon), Salve Asis (Showbiz), Beth Repizo-Meraña (Sports), Jo Reducto (LibaÂÂngan), Ramon Bernardo – Qatar editor at PM editors na sina Jun Trinidad, Grace Amargo-Dela Cruz at Carmela “Mae†Balbuena. Mga reporters na sina Rudy Andal, Gemma Amargo-Garcia, Ellen Fernando, Malou Escudero, Doris Franche, Joy Cantos, Ricky Tulipat, Danilo Garcia, Lordeth Bonilla, Angie Dela Cruz, Ludy Bermudo, Mer Layson, Russell Cadayona at ang chief-of-reporters na si Butch Quejada. Mga Computer operators na sina Olive Reyes, Judy Serrano, Delfin Victoria, Luchie QuintaÂna, Greg Esplana, Rommel Condino, Jun Santos, Eizel Villena. Scanner na si Rollie Villena. Sa CTP-Quezon City na sina Arnel Hernandez at Diosdado Vicente. Katuwang din ang mga Proofreaders na sina Zaldy Relucio, Ed Abuan, Angel Enriquez, Jerry Madla, Margie Ebio at Raymund Cruzana.
• Dahil sa mga mamÂbabasa, ahente at vendors, kung saan bu-magyo man ay nariyan para sumuporta sa aming pahayagan.
• Higit sa lahat kaya narito pa kami hanggang ngayon ay dahil sa gabay at biyaya ng Panginoong Hesus na patuloy na nagpapala sa kompanyang ito.
Kaya naman ngayon sama-sama naming isisigaw ang “Thank Hea-ven we’re 27!!!..â€